Ricci Speaks











Tawanan na lang natin yanHehehe…natawa ako dito nung narinig ko sa isang binibini na nakasabay ko sa aking sufferring habang inip na inip kame sa pila ng passport renewal sa DFA. Napagusapan kasi namin tungkol sa pagkahaba habang pila at sitwasyon ng proseso sa pag renew lang ng passport.

9AM ako nakarating sa libertad, dali dali pa kong humahagod ng pumunta doon kasi ayokong maabutan ng cut off. I was expecting na matatapos ito ng buong araw, at least. Sa wakas nakita ko na din ang DFA, madaming tao, nagkakagulo ang ibang mga may DFA ID (employees ata) sa kakatawag at kakahila sa mga taong mag aayos ng kanilang mga passport para magpa picture at mag fill up ng forms at ipa photocopy ang mga documents. Buti na lang mabait ang isang kuya sa akin at tinulungan nya ko agad…(tinawag kasi akong ganda kaya dun ako sa kanya pumunta … asus!). Pagkatapos ko kay kuya (tawagin na natin syang kuya pogi…in return..) tinuro nya ko kung san next na pupunta para di na maligaw….haaay salamat, konti at umaandar ang pila sa entrance, kala ko pila hanggang roxas blvd, exagerrating lang pala ako. Pero laking pagkakamali, the worst is yet to come… ” Basketball covered court po , sa may green na payong “,sabi naman ng isang kuya na taga DFA, dun pala ….ahhh…dun pala ang pila sa new and renewal ng passport…ok, i’ll go there na. Tuwang tuwa at excited na kong mataposun ng biglang bumulaga sa akin ang parang isang “snake like” line sa loob ng court. HEHEHE… magdusa ka pinoy! Dun ko na nakilala si … itago na lang natin sya sa pangalang Ms. Long Hair (di ko kasi natanong name nya e) na i share nya na may isang foreigner na sumakay sa MRT at nang mapansin nya na nagsisiksikan e nasabi daw nya ang mga katagang FILIPINOS ARE CONDITIONED TO SUFFER . Hehehe, true my friend…para tayong mga dagang pinasok sa loob ng isang maze para maghanap ng cheeze o isang aso sa obedient training school na kino condition para maging mabait, tayo kino condition na ng gobyerno para mag suffer. Hehehe..tulad na lang sa pagpila dito sa pag papa renew ng passport ko…alam nyo bang di ko natapos ang pag process ng passport ko? at ang nakakabanas pa , ay yung pagkahaba habang pila ko na yun ay para lang sa pag papa appointment sa sususnod na proseso??? GRABE!?! kung kelan naging computerize (kuno) tsaka bumagal ang sistema…haaayyyy, sufferring na nga sa buhay, pati dito suffering na din talga……Well, as always, magagalit , maiiinis, pero sa huli….SMILE na lang….Pinoy ako eh! :D



Leave a Reply

et cetera